Kung kaya ko lang, hindi ko ipipikit ang mata ko kase gusto ka pa nun makita
Gusto ko lang magbigay ng paalala bago natin ito simulan
Paalala para hindi ka magulat at hindi ako magulat na bigla ka mawala
Paalala para sa mga bukas at kahapon
At lalo na sa ngayon
Paalala para lalo mokong makilala.
Bubuksan ko ang pintuan kung kakatok ka
Una, Madali akong masaktan
Kapag tinulak mo ako, madaling magpasa
Kapag nadapa ako, madaling magkagasgas
At hindi madaling maghilom
Iniipon ko ang lahat ng sakit hanggat kaya ko
Hanggang dumating ang araw na kusang sasabog ang lahat nilalaman nito
Sana magkasama natin lapatan ng lunas ang lahat ng galos natin,
para hindi na maging isang galong problema na matatambak at magsisilbing pader na maghihiwalay sa ating dalawa.
Linisin natin kung meron pang natitirang sugat ng nakaraan.
Magpatawad tayo,
para bukas, ako na lang at ikaw na lang ang may ari ng lahat
Pangalawa, Selosa ako.
Nagseselos ako sa kabigan mo.
Nagseselos ako sa oras na kakain ng dapat sana ay oras natin.
Nagseselos ako sa mga pangarap mo na hindi ako parte.
Nagseselos ako sa yosi na lagi mong hinahanap mawala lang ng ilang minuto.
Nagseselos ako sa kung paano ka magkwento tungkol sa paborito mong laro
Kung paano kuminang ang mata mo habang binabalikan ang oras na naipasok mo ang bola
Sana isang araw ganun din kuminang ang mata mo pag ako naman ang ikukwento mo sa kanila
Pangatlo, Hindi ako marunong ng gawaing bahay.
Hindi kita maipagluluto ng paborito mong adobo o gawing malinis ang kwarto.
Pagdating mo sa bahay, maiinis ka sa kalat.
Sana maintindihan mong pinilit ko naman tlagang linisin ang dumi,
pero hindi lahat nalilinis.
May mga bagay sa nakaraan ko na tila mantsa, na ang nais ko lang ay matanggap mo
Wala namang sinabi si tadhana na perpekto na ang babaeng kaharap mo
Pero sinu bang may nais ng perperkto?
Nakakaumay din ang sobrang tamis.
Pang-apat, Minsan sinasabi kong maayos ang lahat kapag nagtatanong ka kung may problema
Alam kong hindi ka manghuhula
Gusto ko lang minsan isipin na kilala mo na talaga ako
Na ang hindi ay minsan oo
Na ang oo ay minsan hindi
Hindi naman ito pagsubok,
Maiintindihan mo din yan balang araw
Sa susunod alam kong magiging katulad na tayo ni b1 at b2
Madali lang naman akong basahin
Oo, gusto ko ng bulaklak
Gusto ko ng sorpresa
Ok lang na uminom ka kasama ang kaibigan mo. Walang BS
Pero mas ok sana kung naisip mong isama ako diba?
Gusto ko makilala ang kaibigan mo
Hindi ok na hindi nila ako gusto
Hindi ako mahilig sa mga aso. Pero diba sabi mo nga mahal, magiging close ko din sila pag lagi na ako sa bahay niyo.
Ayaw ko din sana pag usapan yung dati mong minahal,
pero kung kinukulit man kita at nagbabanggit ng tungkol sa kanya
Dahil lang minsan, hindi ko alam kung sapat na ba akong palitan sya
O kung napalitan ko na nga ba talaga?
Malalaman mo din ang ibig sabihin ng ok
Ng ikaw bahala
Ng pagkunot ng noo
Ng pagngiti
Kung anung pinagkaiba ng selos at kulitan
At maiintidihan ko din lahat ng "hahaha" at "k" mo
Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa pagmulat sa akin sa kamangmangan at kakulangan ko
Salamat madami akong natutunan
Salamat sa pagbigay ng oras
Salamat sa tiwala
Salamat sa pang unawa
Salamat sa pagaalala, wala na ang sakit ko
Salamat sa kung anuman pagmamahal ang binibigay mo ng walang hinihinging kapalit
Salamat, nakilala kita
Ngayon pa lang humihingi na din ako ng paumanhin sa mga kasalanan na maari kong magawa
Patawad dahil nalate ako sa date natin,
Traffic kase sa edsa
Patawad nakatulog ako habang nasa movie marathon
Pagod lang sa trabaho
Hindi rason yan mahal.
Kung kaya ko lang, liliparin ko ang kahabaan ng kalsada, makapunta lang ng maaga
Kung kaya ko lang, hindi ko ipipikit ang mata ko kase gusto ka pa nun makita
Wag ka mag alala
Pati panaginip ko
Okupado mo pa
Kaya future ted mosby, sabay tayong maglakbay sa malawak na mundo ng imahinasayon.
Kung san tayo lang ang tao
Kung san may pag asa at pwede tayo
Wag na tayo sa totoong buhay
Ayoko na ng bawal
Kalimutan na natin ang lahat ng disclaimers na yan
Tara! Andito lang ako.
Naghihintay